Jail and Correctional Authority itatag

jailed1

Bunsod ng pag-alma ng publiko sa muntikang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, at iba pang presong nahatulan sa karumal-dumal na krimen, itinulak ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagtatag ng Jail and Correctional Authority upang maisaayos ang prison system at ang pamamahala sa tinatayang 200,000 preso sa buong kapuluan.

jail and correctional authority itatag - Jail and Correctional Authority itatag
jailed1 - Jail and Correctional Authority itatag

Bunsod ng pag-alma ng publiko sa muntikang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, at iba pang presong nahatulan sa karumal-dumal na krimen, itinulak ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagtatag ng Jail and Correctional Authority upang maisaayos ang prison system at ang pamamahala sa tinatayang 200,000 preso sa buong kapuluan.

Kasama si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., inihain ng dalawa ang House Bill 1507 upang pagsamahin ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang maging JCA.

Sa pamamagitan nito, pinaliwanag ni Co na mapapalakas, magiging moderno at mapapabuti ang kalagayan ng penal system sa bansa. Magkakaroon din ng maayos na pamumuhay ang mga preso sa kulungan.

Idinagdag pa ni Co na dahil sa gagawa ang JCA ng mga agro-industrial project, magkakaroon ng pagkukunan ng kita ang mga preso habang sila ay nagsisilbi sa kanilang sentensiya.

Pinaliwanag pa ni Co na kinakailangan na ang reorganization ng penal system sa bansa upang matuldukan ang mga problema sa kulungan, tulad ng pagpuslit ng mga iligal na droga, ang pagkakasangkot ng mga preso at guwardiya sa drug trade at iba pang masamang gawain, at ang pagputol sa sinasabing bentahan ng release paper sa ilalim ng kontrobersyal na RA 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Problema din sa kasalukuyan ang mga siksikang kulungan dahil 30,000 lamang ang kapasidad ng mga kulungan sa bansa, pero ngayon ay umaabot na sa 200,000 ang preso sa buong kapuluan. Dahil sa mga siksikan na kulungan, madaling magkahawaan ng sakit.

Ayon pa kay Co, ang BuCor ay nasa ilalim ng Department of Justice at siyang namamahala sa National Prison Penitentiary sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City at Panabo, Davao del Norte, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Leyte Regional Prison sa Tacloban City, at San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.

Ang BJMP naman ay nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government at nangangasiwa sa lahat ng kulungan ng provincial, sub-provincial, city, district, at municipal level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *