Isyu ng South China Sea tatalakyin sa Japan trip ni Pangulong Duterte

INAASAHANG matatalakay ang isyu ng South China Sea sa nakatakdang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Tokyo, Japan sa susunod na linggo.

The post Isyu ng South China Sea tatalakyin sa Japan trip ni Pangulong Duterte appeared first on Abante News Online.

isyu ng south china sea tatalakyin sa japan trip ni pangulong duterte - Isyu ng South China Sea tatalakyin sa Japan trip ni Pangulong Duterte
duterte abe - Isyu ng South China Sea tatalakyin sa Japan trip ni Pangulong Duterte

INAASAHANG matatalakay ang isyu ng South China Sea sa nakatakdang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Tokyo, Japan sa susunod na linggo.

Ang Pangulo ay nakatakdang dumalo sa isang forum kung saan isa siya sa keynote speaker.

Sa pre-departure briefing ni Fo­reign Affairs Secretary Meynardo Montealegre sa Malacañang, sinabi nitong magkakaroon ng pagkakataon ang Pangulo at ni Abe na mag-usap sa sidelines ng business forum na nakatakda nitong daluhan.

Ang isyu aniya ng South China Sea ang pinakasentro ng kapayapaan at katatagan sa ASEAN region na kapwa concern ng Pilipinas at Japan.

Mayroong islang pinag-aagawan ng Japan at China sa East China Sea, partikular ang Senkaku islands.

Tinitiyak ni Montealegre na sinusunod ng gobyerno ang prinsip­yo ng freedom of navigation para sa kalutasan ng problema sa South China Sea.

“The Philippines has always affirmed its commitment to uphold the principles of freedom of navigation and overflight, and exercise of self-restraint and the peaceful resolution of disputes,” ani Montealegre.

Ito ang ikatlong biyahe ng Pangulong Duterte sa Japan simula nang maupo ito sa puwesto. ­(Aileen Taliping)

The post Isyu ng South China Sea tatalakyin sa Japan trip ni Pangulong Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *