Istorbo sa trabaho dagdag stress

Alam nyo bang mas madaling mapagod at makaranas ng stress ang mga taong lantad sa social pressure at madalas naiistorbo sa trabaho?

The post Istorbo sa trabaho dagdag stress first appeared on Abante.

istorbo sa trabaho dagdag stress - Istorbo sa trabaho dagdag stress
abante stress - Istorbo sa trabaho dagdag stress

Alam nyo bang mas madaling mapagod at makaranas ng stress ang mga taong lantad sa social pressure at madalas naiistorbo sa trabaho?

Sa pag-aaral ng Swiss health foundation na Stiftung Gesundheitsförderung Schweiz sa grupo ng mga empleyado sa isang tanggapan, natuklasan na mas naglalabas ng stress hormones ang mga taong madalas na iniistorbo sa trabaho.

Ayon pa sa Job Stress Index 2020 na sininop ng nasabing samahan, lumitaw na hindi kasing taas ang stress ng mga ito sa pag-isip kahit pagod ang kanilang katawan sa trabaho.

Sakaling maging talamak at lumubha ang nararamdaman nilang physical stress, posible anila itong magresulta sa matinding pagkapagod na magbibigay naman ng negatibong epekto sa kanilang kalusugan pati na rin sa ekonomiya.

Pinamunuan ng psychologist na si Dr. Jasmine Kerr, kasama ang mathematician na si Mara Nägelin at computer scientist na si Dr.Raphael Weibel ang nasabing eksperimento na naglalayong makadiskubre sila ng isang early warning device na tutukoy sa mga dahilan at pipigil sa mga nakaambang stress na maaring danasin ng mga kawaning lantad sa pang-iistorbo at social pressure.

Gayunman, lumitaw sa nasabing eksperimento na hindi gaanong stressed ang isipan ng mga participant kahit pagod sila sa iba’t-ibang aktibidad kaysa sa mga participant na isang beses lang na nagambala sa kanilang ginagawa. (Mia Billones)

The post Istorbo sa trabaho dagdag stress first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *