Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa US

Alam mo, Dondon, ang bongga talaga ni Manila Mayor Isko Moreno dahil kapag may mga kababayan tayo na nakakatsikahan ko sa Los Angeles, California, siya ang tinatanong sa akin.

The post Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa US appeared first on Abante News Online.

isko sobrang sikat sa mga pinoy sa us - Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa US
ABANTE Isko - Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa US

abante anything goes jun lalin 336x224 - Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa USAlam mo, Dondon, ang bongga talaga ni Manila Mayor Isko Moreno dahil kapag may mga kababayan tayo na nakakatsikahan ko sa Los Angeles, California, siya ang tinatanong sa akin.
Marami rin ang sumusubaybay sa magagandang nagagawa niya sa lugar niya, huh!

Sobrang kahanga-hanga nga ang kasipagan ni Isko at marami sa mga nakakausap ko ay nakikita raw ang mga ‘yon sa mga video na sini-share ng Abante News Online.

Marami rin ang tumututok ngayon sa column niya sa Abante TONITE, huh!
Anyway, very visible naman ngayon sa showbiz ang anak ni Isko na si Joaquin Domagoso.

Madalas ang guesting ngayon ni Juaquin sa GMA-7, kaya may mga nagtatanong kung may contract na ba sa Kapuso network ang anak ni Isko, pero according to Daddie Wowie Roxas, freelancer daw ang binata.

Fil-Am beauty queen jackpot sa dyowang afam

Ang ganda naman ng kuwento ng isang Fil-Am beauty queen na na-dethrone noong araw.

Noong una raw ay hindi naging masuwerte sa love life si Fil-Am beauty queen, hanggang regaluhan siya ng membership sa isang dating website ng isa niyang kaibigan.

Sa una, hindi raw nagustuhan ni Fil-Am beauty queen ang regalong ‘yon sa kanya, pero ginamit din niya at sa dating website na ‘yon niya nakilala ang lalaking napangasawa niya.

Ngayon, maganda na raw ang buhay ni Fil-Am beauty queen dahil sa dating website na ‘yon dahil hindi lang basta mayaman ang nakilala niyang nagmahal sa kanya, sobrang bait pa raw ng lalaking ‘yon!

Dyowa ni Martin super bait kay Pops

Nag-post ako sa Instagram account ko ng poster ng “Two-gether Again” US concert series nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Nakakatuwa lang na ang isa sa mga unang nag-like ay si Anj del Rosario.
Sino si Anj? Siya ang girlfriend ni Martin na in fairness ay sobrang supportive sa boyfriend.

Actually, friends din silang dalawa ni Pops at magkasundong-magkasundo sila.

Nakakatuwa nga si Anj dahil noong i-surprise nina Martin at Pops si Ruffa Gutierrez sa birthday dinner show ng huli kamakailan ay ang girlfriend pa ni Martin ang may hawak ng iPad kung saan ay nakalagay ang lyrics ng kinakanta ng ex-couple.
How nice!

The post Isko sobrang sikat sa mga Pinoy sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *