Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan

Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan

SINIBAK ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang station commander ng Manila Police District (MPD) sa Lawton matapos ang ginawang pagpapabaya nito sa bahagi ng Bonifacio shrine na tambak ng tae ng mga tao.

The post Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan appeared first on Abante News Online.

isko nakaapak ng ebak bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan - Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan
isko 16 - Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan

SINIBAK ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang station commander ng Manila Police District (MPD) sa Lawton matapos ang ginawang pagpapabaya nito sa bahagi ng Bonifacio shrine na tambak ng tae ng mga tao.

Nagsagawa ng inspeksyon si Domagoso sa Bonifacio shrine na katabi lamang ng city hall dakong alas-nuwebe nang umaga at labis ang pagkadismaya nito na tila ginawang kubeta ng bayan ang bantayog.

Sa paglalakad ni Domagoso ay muntik pa nitong matapakan ang tumpok ng tae sa lugar.

Kaagad na pinatawagan ni Moreno sa kanyang chief of staff na si Cezar Chavez si MPD Director Vicente Danao, para iutos na i-relieve si Lawton Police Community Precinct commander P/Lt. Rowell Robles.
“Siguro may mga 100 piraso ng tae ang nakita ko sa paligid,” narinig na sinabi ni Moreno kay Danao.

Ayon sa alkalde, ginawang mala­king palikuran ng mga vendor na nanirahan na sa likuran ng Bonifacio shrine sa loob ng anim na taon na ilang metro lamang ang layo sa tanggapan ng alkalde.

Kaagad na nagbigay ng direktiba si Moreno sa kanyang mga tauhan na bombahin ng tubig at linisin ang paligid ng Bonifacio shrine.

Gayunman, pinasalamatan pa rin ni Moreno ang mga vendor sa lugar na nagkusa nang binaklas ang mga itinayo nilang istruktura.

“Maraming salamat sa inyo at nagkusa na kayong tanggalin ang mga inilagay ninyong istruktura at wala ng away-away pa. Hanggang kaya kong gamitan kayo ng diplomasya ay gagawin ko,” ayon kay Moreno.

Isa umanong malaking kalapastanganan sa bantayog ng bayaning si Bonifacio ang ginawa ng mga vendor. (Juliet de Loza-Cudia/Mina Aquino)

The post Isko nakaapak ng ebak! Bonifacio shrine ginawang kubeta ng bayan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *