Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank

Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank

Nag-alok ng isang mil-yong pabuya si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa ikadarakip ng pitong bank robber na nanloob sa Metrobank Binondo Branch, kahapon nang umaga.

The post Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank appeared first on Abante News Online.

isko nag alok ng e282b11m laban sa mga holdaper ng metrobank - Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank
metrobank manila - Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank

Nag-alok ng isang mil-yong pabuya si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa ikadarakip ng pitong bank robber na nanloob sa Metrobank Binondo Branch, kahapon nang umaga.

Nabatid sa ulat ng Manila Police District-Police Station 11, isinagawa ang panloloob sa bangko dakong alas-8:43 nang umaga bago pa magbukas ang bangko.

Nabatid na dalawa umano sa suspek ang nagpanggap na security guard, kung saan kinausap muna ang guwardiya at saka nagdeklara ng holdap.

Itinali pa umano ang bantay na guwardiya at saka sinamsam ang pera at kinuha pa ang CCTV ng bangko bago nagmamadaling tumakas sakay ng motorsiklo.

Nabatid na d­alawang minuto ang nakalipas bago nakapagresponde ang mga tauhan ng MPD-PS 11 at SWAT.

Wala namang nasaktan sa mga empleyado at kostumer ng bangko habang inaalam pa ang halaga ng mga nakulimbat na pera.

Nanawagan si Moreno sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na maging sa National Bureau of Investigation (NBI) na makisawsaw sa imbes-tigasyon para agad na mahuli ang mga suspek.

Iniimbestigahan na ng MPD ang kopya ng CCTV na nakuha sa kalapit na barangay.

Patuloy namang nagsasagawa ng dragnet operation ang MPD laban sa mga nakatakas na bank robber. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Isko nag-alok ng ₱1M laban sa mga holdaper ng Metrobank appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *