Isko: Maynila umaapaw sa ebak!

Isko: Maynila umaapaw sa ebak!

Dismayado si Mayor Isko Moreno sa lagay ng Maynila ngayon dahil punong-puno ito ng dumi at ebak.

The post Isko: Maynila umaapaw sa ebak! appeared first on Abante News Online.

isko maynila umaapaw sa ebak - Isko: Maynila umaapaw sa ebak!
isko 17 - Isko: Maynila umaapaw sa ebak!

Dismayado si Mayor Isko Moreno sa lagay ng Maynila ngayon dahil punong-puno ito ng dumi at ebak.

“Talagang Manila is full of sh*t – lite­ral, not metaphorically, “ saad ni Moreno sa kanyang talumpati sa induction ng mga opisyal ng Rotary Club ng Bagumbayan, Manila.

“Instead na i-sugarcoat mo or itago mo, mas lalong hindi nareresolba,” dagdag pa niya.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga Rotarian na tulungan siya sa paglilinis ng imahen ng Maynila.

“Let’s use your resources towards a direction where we are going to make Manila vibrant again,” hirit ng alkalde.

Noong nakaraang linggo lamang ay nakatapak ng tae si Moreno habang iniinspeksyon ang Bonifacio Shrine na katabi lamang ng Manila City Hall. Tinawag pa niya ang lugar na kubeta ng bayan dahil dito pala dumudumi ang mga vendor at informal settler.

Sa kanyang pagkadismaya, pinasibak ni Moreno ang police chief na nakakasakop sa Lawton kung saan matatagpuan ang monumento ni Bonifacio.

Kumilos naman ang Department of Public Services, mga bumbero at concerned citizen para linisin ang lugar. Ipagpapatuloy nila ang paglilinis ng monumento, dalawang beses kada linggo, upang matanggal ang masangsang na amoy ng dumi ng tao.

Binisita din ni Moreno ang Vitas slaughterhouse sa Tondo, Maynila at halos masuka sa lagay ng katayan ng bayan.

Binanggit ni Moreno na malinis dapat ang slaughterhouse dahil dito nanggagaling ang mga karneng ibebenta sa mga pamilihan.

The post Isko: Maynila umaapaw sa ebak! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *