Isko lagarista viral sa socmed

KAPAG nagtuloy-tuloy ang nag-viral na video ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na nagpapakita ng kasipagan nito matapos ang ginawang sorpresang inspeksyon sa Bonifacio Shrine kahapon nang madaling-araw, malamang na umabot na sa mahigit 1 mil­yong Facebook user ang nag-view nito.

The post Isko lagarista viral sa socmed appeared first on Abante News Online.

isko lagarista viral sa socmed - Isko lagarista viral sa socmed
Isko - Isko lagarista viral sa socmed

By Juliet de Loza-Cudia

KAPAG nagtuloy-tuloy ang nag-viral na video ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na nagpapakita ng kasipagan nito matapos ang ginawang sorpresang inspeksyon sa Bonifacio Shrine kahapon nang madaling-araw, malamang na umabot na sa mahigit 1 mil­yong Facebook user ang nag-view nito.

Nalaman na alas-11:39 nang umaga ay nasa 13,000 ang nag-share ng video at 64,000 ang nag-like sa loob lamang ng 10 oras matapos itong i-post sa social media.

Ang walang tulugang pagta-trabaho ng alkalde ay humamig ng malaking positibong rating sa mga netizen base na rin sa mahigit 24,000 nagkomento.

Sa nabanggit na oras umabot sa 804,000 ang nag-view ng kanyang video na mas malaki pa ng 500,000 sa kanyang nakuhang boto sa Maynila sa natapos na May 13 elections.

Ilang netizen pa ang nagpahayag ng kagustuhan na si Moreno ang maging susunod na presidente ng Pilipinas na magalang naman niyang tinanggihan.
Magtuturo na lamang siya ng kanyang karanasan sa local go­vernment pagkatapos ng kanyang termino.

Nabatid na ala-1:30 nang madaling-araw nang inspeksyunin ni Moreno ang Bonifacio Shrine at nagpahayag ito ng kasiyahan dahil wala na lahat ang mga vendor, street dweller na nagpabaho sa kapaligiran.

Kasama ring ininspeksyon ni Moreno ang mga bagong kabit na capiz lantern na nakasabit sa mga puno sa likurang bahagi ng Bonifacio Shrine.

“Ang ganda ng mga ilaw. Hindi ka na kakabahan kapag maglalakad dito,” ayon kay Moreno.

The post Isko lagarista viral sa socmed appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *