Isko kakalkalin secret dumpsite sa Boystown

Paiimbestigahan ni incoming Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang umano’y tangkang pag­lilibing sa mga suplay na pagkain sa Manila Boystown para isabotahe ang papasok na administrasyon sa lungsod.

The post Isko kakalkalin secret dumpsite sa Boystown appeared first on Abante News Online.

isko kakalkalin secret dumpsite sa boystown - Isko kakalkalin secret dumpsite sa Boystown
isko 3 - Isko kakalkalin secret dumpsite sa Boystown

Paiimbestigahan ni incoming Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang umano’y tangkang pag­lilibing sa mga suplay na pagkain sa Manila Boystown para isabotahe ang papasok na administrasyon sa lungsod.

Sinabi ni Domagoso na agad silang nagsagawa ng sorpresang inspeksyon sa Manila Boystown na matatagpuan sa Narra Blvd, Parang, Marikina kahapon ng umaga nang may mabasa siyang post sa isang social media site na ibabaon sa malalim na hukay sa loob mismo ng pasilidad ang mga suplay ng pagkain nito na hindi pa naman expired at maaari pang mapakinabangan.

Nakita umano niya mismo ang kilo-kilong bigas, asukal, kape, mga noodles, oatmeal at mga tsokolate na itinapon na sa isang malalim na hukay at nakatakda nang tabunan.

Agad aniya niyang ipasisiyasat pag-upo ang insidente para mapanagot ang opisyal at mga empleyado na sangkot dito. (Mia ­Billones)

The post Isko kakalkalin secret dumpsite sa Boystown appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *