Isko binigyan ng 1K kulambo

MAY 1,000 pirasong kulambo ang ipinagkaloob ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor) kay Manila Mayor Isko Moreno bilang kontribusyon ng ahensiya sa nationwide campaign ng gobyerno laban sa dengue.

isko binigyan ng 1k kulambo - Isko binigyan ng 1K kulambo
ABANTE isko 5 - Isko binigyan ng 1K kulambo

MAY 1,000 pirasong kulambo ang ipinagkaloob ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor) kay Manila Mayor Isko Moreno bilang kontribusyon ng ahensiya sa nationwide campaign ng gobyerno laban sa dengue.

Tinanggap ni Moreno mula kina Pagcor Chairman Andrea Domingo, President Atty. Alfredo Lim at mga miyembro ng Pagcor Board of Directors ang mga kulambo.

Ginanap ang turn-over ng mga kulambo sa Bulwagang Katipunan kahapon.
Pinasalamatan naman ni Moreno ang Pagcor sa ibinigay na mga kulambo na malaki umano ang maitutulong para makaiwas sa dengue ang mga Manilenyo.

Sinabi naman ng Pagcor na inisyal lamang ang 1,000 kulambo at meron pa itong kasunod na ibibigay sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Nabatid na ipamamahagi umano ng lokal na pamahalaan sa mga barangay ang mga kulambo para makaiwas sa dengue.

Bukod pa sa panawagan ni Moreno sa mga Manilenyo na panatilihin malinis ang kanilang kapaligiran para hindi pamahayan ng lamok. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *