Isko binalaan mga pasaway sa health protocol

Walang papalusutin si Manila Mayor Isko Moreno sa mga susuway sa health protocol sa kanilang lungsod.

The post Isko binalaan mga pasaway sa health protocol first appeared on Abante.

isko binalaan mga pasaway sa health protocol - Isko binalaan mga pasaway sa health protocol
abante isko moreno 4 - Isko binalaan mga pasaway sa health protocol

Walang papalusutin si Manila Mayor Isko Moreno sa mga susuway sa health protocol sa kanilang lungsod.

Ito’y matapos na mahuli ng Manila Police District (MPD) ang aabot sa 20 katao na pumunta sa binyag sa loob ng Manila North Cemetery.

Kasama pa sa naturang binyag ang ilang bata, na pinagbabawalan pang lumabas ng tahanan.

Nakita din sa naturang binyagan ang ilang bumibirit sa videoke habang ang iba ay walang face mask, at kumpulan na malinaw na paglabag sa social distancing.

Pinuri ni Moreno ang MPD dahil sa naging agarang aksyon sa mga lumalabag sa health protocol at nakiusap sa kanyang nasasakupan na sumunod para na rin sa kanilang kaligtasan.

“Panawagan ko, huwag na kayong lalabag sa mga ordinansa ng lungsod, ‘yung mga ordinansa na iyan para sa kaligtasan niyo ‘yan, hindi para pahirap ‘yan, hindi para sa amin,” lahad ni Moreno

The post Isko binalaan mga pasaway sa health protocol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *