Isda nagpababa ng dengue victim sa Pangasinan

BUMABA ang bilang ng mga nabibiktima ng dengue sa ilang parte lalawigan ng Pangasi­nan dahil sa pagpapa­kalat ng mosquito fish o tuyong, ayon sa Bureau of Fishers and Aquatic Resources-Pangasinan (BFAR-Pang).

isda nagpababa ng dengue victim sa pangasinan - Isda nagpababa ng dengue victim sa Pangasinan
mosquito fish - Isda nagpababa ng dengue victim sa Pangasinan

BUMABA ang bilang ng mga nabibiktima ng dengue sa ilang parte lalawigan ng Pangasi­nan dahil sa pagpapa­kalat ng mosquito fish o tuyong, ayon sa Bureau of Fishers and Aquatic Resources-Pangasinan (BFAR-Pang).

Ayon kay BFAR-Pang research chief Westly Rosario, ang mga lugar na bumaba ang kaso ng dengue dahil sa paglaban ng mga tuyong ay ang mga bayan ng Ma­ngaldan, San Fabian at Sta. Barbara.

Sinabi ni Rosario, dahil sa paglalagay ng tuyong sa mga open canal ng nasabing mga bayan at sa Dagupan City ay bumaba sa 107 na dengue case ang naitala ngayong taon mula sa 175 kaso noong Enero hanggang Agosto dahil sa pagkain ng mga ito sa itlog ng lamok na nagdadala ng sakit.

Nagpakalat muli ang BFAR-Pang ng tuyong para patayin ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus sa ibang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Rosario, ang mosquito fish o tu­yong ay may haba na apat hanggang pitong centimeters na malakas kumain ng mga lamok na nangingitlog sa tubig na siyang panguna­hing nagdudulot ng dengue virus. (Allan ­Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *