Isama suhol sa patong — Duterte

MAY naisip na paraan si Pangulong Rodrigo Duterte upang makasigurong matitibay ang lahat ng infrastructure project sa bansa.

isama suhol sa patong duterte - Isama suhol sa patong — Duterte
duterte 101 - Isama suhol sa patong — Duterte

MAY naisip na paraan si Pangulong Rodrigo Duterte upang makasigurong matitibay ang lahat ng infrastructure project sa bansa.

Ayon kay Duterte, dapat patungan ng mga priba­dong contractor ng 10 hanggang 50 percent ang aktuwal na halaga ng ipapagawang kalsada, tulay at iba pang infrastructure project upang makasiguro na may kikitain sila imbes na tipirin ang proyekto dahil sa kickback ng mga opisyal ng gobyerno.

“Sabi ko nga ganito na lang, sabihin ko dito sa ano, Bong, sabihin mo 50 million (pesos) ang project­, ‘wag mong isagad sa 50 million. Gawain mong 55 o 60,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati sa mga miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc.

“Kunin mo na ang iyong profit doon. Kung magkukulang-kulang may pangdagdag ka. O kung may ano man, may increase in prices, may meron ka pang heads. May maiwan para profit mo,” dagdag ng Pangulo.

Sa ganitong formula, hindi na titipirin ng mga contractor ang materyales sa mga ginagawang kalsada, tulay, gusali at iba pang proyekto ng gobyerno.

“Kung may maghingi sa inyo…’Eh adre kumita ka diyan’. ‘Yung ginansya mo, eh ‘di magbigay ka. Pero kung kunin mo doon sa project, sa 50 million, eh talagang walang mangyari. You will come up with an inferior product, may imbestiga pa, at magkasamaan pa ang loob natin,” paliwanag ni Duterte.

“But if you just put the money there sa project, taasan mo. Sabihin ko sila taasan. Sabihin mo 60, o make it 75. Kasi may mga price increase, price increase pa ‘yan. May maiwan sa iyo ng iilang mil­yon, o ‘yun ang profit mo,” katuwiran pa niya.

Nagbanta naman ang Pangulo sa mga contractor na huwag masyadong maging ganid kung sobra-sobra ang ipapatong na presyo sa proyekto.

“Sagarin mo na ang ginansiya mo pero ‘wag mong kunin doon sa project. I won’t mind, I will understand. ‘Wag naman ‘yung profit na tag- tag 50 million, eh kalokohan ‘yan. ‘Di kasali na ako diyan kung ganun,” may halong birong pahayag ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *