Ipagmalaki, pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama

Dapat ipagmalaki at pasalamatan ang mga ama hindi lang tuwing pinagdiriwang ang Father’s Day.

The post Ipagmalaki, pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama appeared first on Abante News Online.

ipagmalaki pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama - Ipagmalaki, pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama
tatay - Ipagmalaki, pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama

Dapat ipagmalaki at pasalamatan ang mga ama hindi lang tuwing pinagdiriwang ang Father’s Day.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman din ng Catholic Bi­shops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMIP), ito ay dahil likas at kabilang sa magagandang katangian ng mga ama ang pagtitiyak ng seguridad ng kanyang pamilya.

Aniya, ipinakikita ng isang ama ang kanyang awtoridad at lakas sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng proteksyon at pagtiyak sa kaligtasan ng pamilya kung kaya’t iginagalang at sinusunod siya ng pamilya.

Sinabi ng obispo na dakila at maituturing din na bayani ang mga ama dahil sa kanilang husay sa pagbibigay ng pa­ngangailangan ng buong pamilya.

Kahanga-hanga aniya ang pagsasakripisyo ng sarili ng isang ama para matustusan at masuportahan ang kanyang pamilya.

Dagdag ni Santos, dapat na laging ipagdasal ang mga ama upang gabayan sila ng Panginoon habang pinanganga­lagaan nila ang kanilang pamilya.

Partikular na tinukoy ng obispo ang mga amang naghahanapbuhay sa ibang bansa na nagtitiis ng hirap na mapalayo sa kanilang pamilya para matiyak lang na magiging maayos at maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

“Now let us be proud of our pa­rents. Let us always be thankful to God for them. And always pray also for their safety, sound health and security, especially those fathers who are OFWs.” pahayag ni Santos. (Mia Billones)

The post Ipagmalaki, pasalamatan ang sakripisyo ng mga ama appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *