Interes sa credit card nilimitahan sa 24%

Pinagbawalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na maningil ng interes sa credit card ng mas mataas pa sa 24% sa loob ng isang taon.

The post Interes sa credit card nilimitahan sa 24% first appeared on Abante.

interes sa credit card nilimitahan sa 24 - Interes sa credit card nilimitahan sa 24%
Bangko Sentral ng Pilipinas - Interes sa credit card nilimitahan sa 24%

Pinagbawalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na maningil ng interes sa credit card ng mas mataas pa sa 24% sa loob ng isang taon.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na epektibo iyon ng November 3, 2020 para hindi mahirapan ang mga tao at ang mga negosyante sa pagbabayad ng utang ngayong ipit sa panggastos ang marami dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa pagbabawal ng paniningil ng taunang interes na mas mataas sa 24%, hindi rin puwedeng maningil ang mga credit card company ng monthly interest na mas mataas pa sa 2% at hanggang P200 lang ang puwede nilang singilin na processing fee para sa isang transaksyon.

Pinag-aaralan ng BSP kada anim na buwan ang interes rate cap at maximum processing fee para malaman kung dapat bang galawin. (Eileen Mencias)

The post Interes sa credit card nilimitahan sa 24% first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *