Inside job sinisilip! Win nagulat sa P1M order sa Foodpanda

Bad trip si Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian nang nalaman niyang na-hack ang kanyang credit card kahapon at ginamit sa pag-order ng P1 milyong pagkain sa Foodpanda.

The post Inside job sinisilip! Win nagulat sa P1M order sa Foodpanda first appeared on Abante.

inside job sinisilip win nagulat sa p1m order sa foodpanda - Inside job sinisilip! Win nagulat sa P1M order sa Foodpanda
abante win gatchalian - Inside job sinisilip! Win nagulat sa P1M order sa Foodpanda

Bad trip si Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian nang nalaman niyang na-hack ang kanyang credit card kahapon at ginamit sa pag-order ng P1 milyong pagkain sa Foodpanda.

“My credit card has just been hacked! May nag- order ng P1M worth of food sa Food Panda in less than an hour. Ano yan lauriat para sa buong barangay???” tweet ng senador kahapon ng 9:25am.

Ang mga order sa Foodpanda ay nangyari nung January 5, 2021 mula 4:47pm hanggang 5:49pm. Ang unang order ay para sa P96,625. Ang sumunod na order ay alas-4:56pm at nagkakahalaga na ng P323,247, ang pangatlo ay alas-5:11pm, P356,517, at ang huli ay noong 5:49pm at P300,851 ang halaga.

Matapos mamangha ang netizens sa credit limit ng senador, nagtaka na ang marami kung paano ito nangyari dahil dapat magti-text muna ang vendor ng one time pin (OTP) sa cellphone ni Gatchalian at iti-text niya dapat ang OTP para matuloy ang transaksyon. Hindi tinukoy ni Gatchalian sa tweet kung anong credit card company ang na-hack.

Sabi ng senador, pinalitan ng hacker ang kanyang registered phone number kaya nakuha agad ang mga OTP.

Samantala, hindi isinasantabi ni Gatchalian ang posibilidad na may ‘insider’ sa pag-hack ng kanyang credit card sa Union Bank.

“I don’t rule that out. In fact, I don’t rule out na may coercion ito. I don’t rule out na mayroon itong insider cooperation,” ani Gatchalian.

“Puwedeng sa Foodpanda, puwedeng sa bangko, puwedeng sa iba pa. We need to investigate this,” dagdag pa nito.

Agad namang pinutol ng bangko ang kanyang credit card at nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Sabi pa ng senado, maghahain din siya ng reklamo sa pulis upang matukoy ang hacker.

“Talagang lumobo ang online transaction—buying, selling, food, gamit, shopping. Marami talaga kaya nakita ng hackers na this is the way,” sabi pa ni Gatchalian.

Sabi pa nito, ito ang unang pagkakataon na na-hack ang kanyang credit card.

Hindi na bago ang pag-hack sa credit card ng pamilya Gatchalian.

Ayon sa kapatid na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Enero 2019 ay na-hack din ang kanyang credit card subalit agad naman napigilan.

Hiningi ng Abante ang panig ng Food Panda sa pangyayari ngunit wala pa itong pahayag as of press time. (Dindo Matining/Eileen Mencias)

The post Inside job sinisilip! Win nagulat sa P1M order sa Foodpanda first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *