Ingat-kalikasan mensahe ng eco-friendly Christmas tree sa Antipolo

PNP Special Action force

BINUKSAN nitong nakaraang linggo ang Christmas Village sa Antipolo City, na siyang hudyat na simula na ang countdown sa Pasko sa buong lalawigan ng Rizal.

ingat kalikasan mensahe ng eco friendly christmas tree sa antipolo - Ingat-kalikasan mensahe ng eco-friendly Christmas tree sa Antipolo
antipolo - Ingat-kalikasan mensahe ng eco-friendly Christmas tree sa Antipolo

BINUKSAN nitong nakaraang linggo ang Christmas Village sa Antipolo City, na siyang hudyat na simula na ang countdown sa Pasko sa buong lalawigan ng Rizal.

Highlight ng event ang pagpapailaw sa 42 talampakang eco-friendly Christmas tree.

Ang naturang Christmas tree ay gawa sa mga balat ng kendi, lumang bote ng tubig at iba pa na karaniwang itinatapon sa basura.

Tulad ng mga nagdaang taon, tinipon ang mga recyclable at ginawang Christmas tree para ipaalala sa buong bansa ang halaga ng pag-iingat sa kalikasan.

Nakatayo ang eco-Christmas tree sa Rizal Provincial Capitol compound.
“Taon-taon ang ganitong proyekto para mahikayat ang lahat na maging eco-friendly hindi lang ngayong Pasko kundi buong taon,” ani Rizal Gov. Nini Ynares. May nakapaligid na mga maliliit na eco-Christmas tree na gawa rin sa mga recycled material.

Hindi lang ang pagpapailaw ang dinumog ng mga tao kundi maging ang 14 na booth sa loob ng provincial government compound na kumakatawan sa 14 na bayan sa Rizal.

Bawat booth ay tampok at ipinagmama­laki ang mga piyesta at tourist destination sa bawat lugar.

Bukas ang Christmas Village hanggang sa unang linggo ng Enero.

“Bawat Antipolenyo at Rizalenyo ay nagkakaisa sa laban kontra sa mga nakakasama sa ating kalikasan. Ito ang adhkain ng aking asawa na si dating Mayor Jun Ynares at nga­yon ay ipinapagpatuloy natin,” ayon naman kay Antipolo City Mayor Andrea ‘Andeng’ Ynares.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *