Infra budget lumobo pagkaupo ni Velasco – Lacson

Lalo pang lumaki ang pondo sa imprastraktura ng ilang congressional district matapos magpalit ng liderato sa House of Representatives (HOR), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

The post Infra budget lumobo pagkaupo ni Velasco – Lacson first appeared on Abante.

infra budget lumobo pagkaupo ni velasco lacson - Infra budget lumobo pagkaupo ni Velasco – Lacson
lacson 6 - Infra budget lumobo pagkaupo ni Velasco – Lacson

Lalo pang lumaki ang pondo sa imprastraktura ng ilang congressional district matapos magpalit ng liderato sa House of Representatives (HOR), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na na napansina nila ang ilang pagbabago matapos aprubahan ng Kamara ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco.

Pinalitan ni Velasco sa posisyon si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano sa gitna ng deliberasyon sa panukalang P4.5 trilyon national budget para sa susunod na taon sa Kamara.

“Nang lumabas ito, nagkaroon na ng issue kasi nga ni-raise ko na yung issue bakit ang lalaki nitong distribution sa mga distrito. Pagpalit ng liderato, napansin namin, halimbawa sa NEP (National Expenditure Program), yung isang distrito nasa mga P9 bilyon. Siguro medyo matibay yung distrito na yun, paglabas ng GAB, under the new leadership, umabot pa siya ng P15 B,” sabi ni Lacson.

“May distrito din na nasa P4 or P5 billion, paglabas ng GAB, nadagdagan pa ulit ng another P4 or P5 billion, naging halos P8 billion na. So nakakagulat talaga,” sambit pa nito.

Sabi pa ni Lacson, ang mga kongresistang matindi ang kapit kay Velasco ay nagdagan ang infrastructure budget habang iyong “outside the kulambo” naman ay nabawasan.

“Ang pattern, nang nagpalit ang liderato, nagpalit ang ihip ng hangin. So ang iba from NEP nabawasan sa GAB under the new leadership. So ang malapit sa kusina yan ang nadagdagan at ang outside the kulambo, yan ang nabawasan,” ani Lacson.

Ayon pa kay Lacson, bagama’t ang dagdag ng pondo na ito ay hindi makokonsiderang “pork” dahil hindi naman ito post-enactment insertion, ito ay ipinasok bago pa magsimula ang deliberasyon ng budget.

“Sa NEP pa lamang o pag-submit pa lang ng DPWH, meron nang intervention na ginagawa yung ilang mga kongresista para sa kanilang mga distrito,” sabi ni Lacson.

“Ang point ko, hindi pwedeng walang pakialam ang kongresista, tulad ng sinabi nila na copy and paste lang nila ano ang nilatag ng ahensya, ng DPWH. Yan ang point ko rito,” saad pa ni Lacson.

Ang diumano’y pakikiaalam ng ilang kongresista sa pag-identify ng infrastructure project ay magreresulta sa hindi maayos na pagpaplano at implementasyon at magreresulta lang sa pagsasayang ng pondo ng gobyerno.

“Yung pag-implementa, hindi maayos kasi hindi nasusunod yung dapat na pagpaplano ng DPWH kasi pinapakailaman ng legislators,” paliwanag ni Lacson.

“Walang pork, in the strictest sense of the word, pero sa implementasyon, hindi rin nawawala ang commission,” wika pa nito. (Dindo Matining)

The post Infra budget lumobo pagkaupo ni Velasco – Lacson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *