Indonesian ferry lumubog, 15 patay

NASA 15 katao ang iniulat na nasawi matapos na lumubog ang isang ferry boat sa Java, Indonesia kahapon, Hunyo 18.

The post Indonesian ferry lumubog, 15 patay appeared first on Abante News Online.

indonesian ferry lumubog 15 patay - Indonesian ferry lumubog, 15 patay
ABANTE ferry indo - Indonesian ferry lumubog, 15 patay

NASA 15 katao ang iniulat na nasawi matapos na lumubog ang isang ferry boat sa Java, Indonesia kahapon, Hunyo 18.

Nabatid na ang overloaded ferry boat ay may kargang 50 katao nang tumaob malapit sa isla ng Madura, ayon kay East Java Police spokesman Frans Barung Mangera.

Natagpuan ng mga search and rescue team ang 13 bangkay nitong Martes nang umaga dahilan upang maitala sa 15 ang patay at 31 ang nakaligtas.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng search and rescue team sa may tatlong kataong naitalang nawawala ayon sa opisyal na manipesto.

Ayon sa pulisya, overloading ang pinaniniwalaang sanhi ng trahedya.
Niragasa ng malakas na alon ang bangka dahilan upang tumaob at lumubog.

The post Indonesian ferry lumubog, 15 patay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *