Indian spacecraft sa buwan nawala

NABULILYASO ang pagtatangka ng India na maka-landing ng spacecraft sa buwan matapos na maputol ang komunikasyon sa kanilang Vik­ram Lander nitong Sabado.

indian spacecraft sa buwan nawala - Indian spacecraft sa buwan nawala
ABANTE buwan - Indian spacecraft sa buwan nawala

NABULILYASO ang pagtatangka ng India na maka-landing ng spacecraft sa buwan matapos na maputol ang komunikasyon sa kanilang Vik­ram Lander nitong Sabado.

Nakaabang pa man din si Prime Minister Narendra Modi sa mission control room sa Bangalore, India dahil magiging makasaysayan ito sa kanilang bansa bilang ikaapat na nakalapag sa buwan sa likod ng Estados Unidos, Russia at China.

Lalapag sana sa buwan ang Vik­ram Lander dakong ala-1:55 nang madaling-araw pero nag-anunsyo si Indian Space Research Organization (ISRO) chairman Kailasavadivoo Sivan na nawala ang komunikasyon sa unmanned spacecraft.

Binalot ng kalungkutan ang mission control room kaya’t nagsalita na rin si Modi upang palakasin ang kanilang kalooban sa pagsasabing ipinagmamalaki ng India ang kanilang mga scientist.

Ang lander ay ipinangalan kay Vikram A. Sarabhai, ang ama ng space program ng India, at magtatangka sana na unang makalapag sa south pole region ng buwan.

Dala ng lander ang rover Pragyan na siyang mag-iimbestiga sana sa origin at evolution ng buwan at upang maghanap ng ebidensiya kung gaano karami ang tubig sa polar region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *