Indian national timbog sa bookies

Hindi lang iligal na pagpapautang, kundi maging ang iligal na sugal ay pinasok na rin ng isang Indian national na naaresto sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.

indian national timbog sa bookies - Indian national timbog sa bookies
gumbling - Indian national timbog sa bookies

Hindi lang iligal na pagpapautang, kundi maging ang iligal na sugal ay pinasok na rin ng isang Indian national na naaresto sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.

Nadakma ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch at mga tauhan ng Tanauan City Police ang suspek na si Gurdip Kumar sa anti-illegal gambling ope­ration sa Barangay Darasa dahil sa pagsasagawa umano nito ng illegal bookies ng Small Town Lottery (STL).

Nakatakbo naman ang kasama nito na si Maricel Dequito.

Narekober dito ang iba’t ibang mga STL paraphernalia at cash money.

Ang operasyon ay isinagawa bunsod ng ulat na patuloy ang iligal na operasyon ng tinatawag na ‘bookies-kuskusan’ sa natu­rang lugar na kabilang sa mga ipi­nagbabawal na sugal. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *