Indian national, angkas niratrat

Binawian ng buhay ang isang Indian national at angkas nito matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang dalawang suspek na ri­ding-in-tandem sa bayan ng Roxas, Oriental Min­doro kamakalawa.

indian national angkas niratrat - Indian national, angkas niratrat
gun 5 - Indian national, angkas niratrat

Binawian ng buhay ang isang Indian national at angkas nito matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang dalawang suspek na ri­ding-in-tandem sa bayan ng Roxas, Oriental Min­doro kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Harbhjan Singh, 40-an­yos, binata, may negosyong 5-6, at Maria Ana Adame Brucal, 35, may asawa, negosyante, pawang residente ng Barangay Bagumbayan ng nasabing bayan.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng dalawang suspek at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat na ipinadala ni Police Col. Socrates Fataldo, tagapagsalita ng Police Regional Office 4-B o Mimaropa region, naganap ang insidente dakong alas-10:44 nang umaga habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima na minamaneho ni Singh at binabagtas ang kahabaan ng Barangay San Aquilino.
Pagdating sa kanto ng lugar ay bigla na lang sinabayan ng riding-in-tandem na mga suspek na nakasuot ng bonnet at itim na jacket ang mga biktima sabay pinagbabaril ang mga ito.

Nagtamo ng tama ng mga bala ng kalibre .45 baril sa likod at dibdib si Singh na agad nitong ikinamatay habang si Brucal naman ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, braso, hita at tiyan na nakuha pang isugod sa Oriental Mindoro Sou­thern District Hospital subalit nasawi rin ito habang ginagamot.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pamamaslang sa dalawang biktima.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *