Indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa ‘Pinas

Nangako ang Indian pharmaceutical company na Serum Institute of India (SII) na magiging available sa Pilipinas ang kanilang bakuna kontra coronavirus sakaling makompleto na ito.

The post Indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa ‘Pinas first appeared on Abante.

indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa pinas - Indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa ‘Pinas
covid 9 - Indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa ‘Pinas

Nangako ang Indian pharmaceutical company na Serum Institute of India (SII) na magiging available sa Pilipinas ang kanilang bakuna kontra coronavirus sakaling makompleto na ito.

Ayon sa local pharmaceutical distributor na Faberco Life Sciences Inc., nabigyan sila ng awtorisasyon ng SII para magsuplay ng COVID-19 vaccine na nililikha nito kabalikat ang American vaccine development firm na Novavax.

“The President himself has expressed doubts if the Philippines will get vaccines being developed in the West. If and when the vaccine becomes available, SII and Faberco hope to bring a pleasant surprise,” pahayag ni Faberco Life Sciences Medical Director Dr. Luningning Villa.

Magsisimula na ang 3rd phase ng vaccine trial ng bakuna ng SII at Novovax sa Amerika nitong buwan.

Magugunitang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pharmaceutical firm mula sa mga kanlurang bansa dahil naniningil na diumano ng paunang bayad para sa COVID-19 vaccine nila na hindi pa nagagawa. (IS)

The post Indian firm magsusuplay ng coronavirus bakuna sa ‘Pinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *