Inatakeng lolo niligtas ng 2 aso

MULI na namang pinatunayan na ang aso ay tinaguriang man’s best friend.

inatakeng lolo niligtas ng 2 aso - Inatakeng lolo niligtas ng 2 aso
ABANTE 8 - Inatakeng lolo niligtas ng 2 aso

MULI na namang pinatunayan na ang aso ay tinaguriang man’s best friend.

Ito ay matapos na iligtas ng dalawang aso ang kanilang amo na senior citizen nang atakihin sa puso sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 20, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Lunes.

Ayon sa San Nicolas Police Station (SNPS) nag-iisa sa kanyang bahay sa nasabing barangay ang lolong si Pio Abrenica, 67, nang suma­kit ang kanyang dibdib.

Sinabi ng SNPS, a­yon sa salaysay ng pamangkin ng biktima na si Johnsen Cristobal, may alaga ang kanyang lolo (Abrenica) na dalawang aso, 1-taong gulang na labrado at siyam na buwang askal.

Sabi ni Cristobal, lumabas umano ang biktima upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay dahil sa naramdamang sakit ng dibdib.

Dito ay nakita umano si Abrenica ng dalawang aso na natumba sa pintuan ng bahay.

Dahil nakasara ang gate ng bahay, tinulu­ngan ng askal ang labrador na buksan ang gate para makalabas sila at kumahol nang kumahol sa kapitbahay upang humingi ng tulong.

Dahil sa kahol ng dalawang aso, nakita ng mga kapitbahay ng biktima na nakahandusay si Abrenica at agad siyang isinugod sa ospital.

Ayon sa mga medical experts ng Batac Medical Center ng Batac, Ilocos Norte, buti naitakbo agad ang biktima dahil kung hindi malamang na namatay na ito dahil sa heart attack.

Samantala, laking pasasalamat naman ng pamilya ng biktima sa ginawang kabayanihan ng dalawang aso. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *