Inabandonang lolo binusog ng tulong

Umantig sa puso ng mga netizen ang kaawa-awang lagay ng isang lolo na diumano’y pinabayaan ng kanyang kaanak.

The post Inabandonang lolo binusog ng tulong first appeared on Abante.

inabandonang lolo binusog ng tulong - Inabandonang lolo binusog ng tulong
abante lolo 2 - Inabandonang lolo binusog ng tulong

Umantig sa puso ng mga netizen ang kaawa-awang lagay ng isang lolo na diumano’y pinabayaan ng kanyang kaanak.

Sa viral video, nakita si Lolo Carlito na nakahiga sa putikan nang matumba ito at hindi umano natulungan ng kanyang pamangkin. Ayon sa kanilang kapitbahay, nanlilimos ang senior citizen noon para sa kanyang mga pangangailangan, pero dahil hindi na nito kayang mamalimos ay naiwan ito sa kanilang bahay.

Ayon sa isa sa kanilang kapitbahay na si Kellyann Laxamana, nagtutulong sila upang makapagbigay ng pagkain kay Lolo Carlito.

Dumipensa naman sa isang panayam ang pamangkin ng lolo at napag-alamang mahirap din ang kanilang kalagayan kaya hindi nito napangalagaan ang matanda.

Dahil dito, tinulungan ng programani Raffy Tulfo ang senior citizen at dinalhan ng pangunahing pangangailangan nito, gayundin ang paglapit sa kanya sa Social Worker ng Cardona, Rizal upang mapangalagaan nang maayos.

The post Inabandonang lolo binusog ng tulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *