Ina ng Pinoy baby na ipinuslit ng Amerikana, hindi muna kakasuhan

Ina ng Pinoy baby na ipinuslit ng Amerikana, hindi muna kakasuhan

Wala munang balak ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang ina na sinasabing nagbigay ng kanyang anim na araw palang na sanggol sa isang Amerikana na nadakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

ina ng pinoy baby na ipinuslit ng amerikana hindi muna kakasuhan - Ina ng Pinoy baby na ipinuslit ng Amerikana, hindi muna kakasuhan
baby 5 - Ina ng Pinoy baby na ipinuslit ng Amerikana, hindi muna kakasuhan

Wala munang balak ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang ina na sinasabing nagbigay ng kanyang anim na araw palang na sanggol sa isang Amerikana na nadakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Sinabi ni Atty. Manuel Dimaano ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID), hihintayin na muna nila ang magiging pasya ng piskalya sa kasong isinampa laban sa `0-anyos na ina na si Maricris Dulap.

Bukod kay Dulap ay nahaharap din ang biological father ng sanggol sa paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ang American national naman na si Jennifer Talbot ay nauna nang sinampahan ng NBI ng mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Kidnapping, Serious Illegal Detention at paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse,Exploitation and Discrimination Act.

Una na ring kinumpirma ng NBI na nakausap na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) avao ang ina na ng sanggol pero hindi kinuha ng DSWD ang kustodiya nito. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *