Importer ng Canada basura umeskapo na

HABANG mainit ang isyu sa mga basurang galing Canada na humantong pa sa pagpapauwi ng mga opisyal ng Philippine embassy sa naturang bansa ay naglaho namang parang bula ang kompanya na sinasabing responsable sa pag-aangkat ng mga kontrobersyal na basura.

The post Importer ng Canada basura umeskapo na appeared first on Abante News Online.

importer ng canada basura umeskapo na - Importer ng Canada basura umeskapo na
waste 3 - Importer ng Canada basura umeskapo na

HABANG mainit ang isyu sa mga basurang galing Canada na humantong pa sa pagpapauwi ng mga opisyal ng Philippine embassy sa naturang bansa ay naglaho namang parang bula ang kompanya na sinasabing responsable sa pag-aangkat ng mga kontrobersyal na basura.

Si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ay nagpahayag na dapat mapanagot ang naturang kompanya na tinukoy nitong Chronic Plastics Incorporated na may tanggapan sa Valenzuela.

Iginiit ni Sotto na dapat imbestigahan ang importer o ang consignee­ ng mga basura galing Canada.

“Sa akin, dapat din tingnan natin, imbestigahan natin, sino ba yung nag-import niyan? Sino ba yung nagdala niyan? Pinadala lang ba basta dito yan o meron tala­gang recipient? Bakit hindi pinaguusapan yung recipient? Sino siya? Sino sila? Sino yung, ano yung pangalan nung kumpanya?,” ani Sotto.
Tinukoy pa ng senador ang kompanya.

“There is this company that is supposed to be the recipient. Chronic­ Plastics Incorporated, address sa Valenzuela. Ano yun? Ano ba yung mga explanation nila? Ano ba ang napag-usapan? Siguro alam na ng DFA yan by this time. Baka meron silang alam na hindi natin alam,” pahayag pa ni Sotto.

Batay naman sa ulat, wala na sa address nito sa Valenzuela ang naturang kompanya at iba na ang umookupa sa lugar kung saan ito da­ting matatagpuan.
Samantala, nakauwi na sa bansa Biyernes nang madaling-araw si Philippine Ambassador to Canada Petronila Garcia matapos i-recall ang mga empleyado at opisyal ng embahada dahil sa isyu ng basura.

Lulan ng Philippine Airlines flight PR 119 si Garcia mula Toronto, Canada, nang lumapag dakong alas-3:56 ng madaling-araw sa Ninoy Aquino International Airport.

Naniniwala naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maaapektuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Canada kaugnay ng gusot sa pagitan ng Pilipinas at naturang bansa dahil sa basura.
“Hindi naman siguro. Wala namang – I don’t think magkakaroon ng problema doon, kasi iyong mga nandoon naman eh legal – at kaila­ngan din ng mga overseas workers natin,” pahayag ni Panelo.

Tiniyak pa ni Panelo sa mga OFW sa Canada na bibigyan sila ng proteksyon ng gobyerno sa kabila ng gusot dahil sa basura.

“Whatever the consequence, this government will be protective of the interest of our countrymen in any part of the world,” ani Panelo.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Canada sa pag-recall sa Philippine ambassador at consuls general.

Sa kabila nito, tiniyak ni Guillaume Berube, taga­pagsalita ng Global Affairs Canada, na patuloy silang makikipagtulungan sa Pilipinas para malutas ang isyu sa basura.

“We remain committed to finalizing these arrangements for the return of the waste to Canada,” ayon kay Beru­be. Binigyang-diin pa nito na pinapahalagahan ng Canada ang malalim at matagal nang ugnayan nila sa Pilipinas. (Dang Samson-Garcia/Otto Osorio/Prince Golez/PNA)

The post Importer ng Canada basura umeskapo na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *