Imported manok, baboy bagsak presyo

“Itigil ang pagkabaliw sa importasyon, tangkilikin ang sariling atin!”

The post Imported manok, baboy bagsak presyo first appeared on Abante.

imported manok baboy bagsak presyo - Imported manok, baboy bagsak presyo
abante meat - Imported manok, baboy bagsak presyo

“Itigil ang pagkabaliw sa importasyon, tangkilikin ang sariling atin!”

Ito ang binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos at iginiit na dapat tulungan ng pamahalaan ang mga lokal na livestock raisers para maging mas competitive ang presyo ng kanilang mga produkto at maisalba ang kabuhayan sa bumabahang mga imported na mahigit sa kalahati ng poultry at pork products sa merkado.

Sa imbentaryo ng National Meat Inspection Service (NMIS) noong Agosto, 81% sa 43,124 kilo ng frozen pork na sinurvey sa merkado ang puro imported kung saan mahigit 58% ng 60,810 kilos ng na-survey na dressed chicken ay pawang imported.

Ayon kay Marcos, chair ng Senate economic affairs, ang pagbaha ng imported poultry products at murang halaga sa merkado ang nagpapalala sa kalagayan ng mga local na poultry raisers.

Aniya, bumaba ang demand ng mga lokal na produktong manok at baboy sa mga food companies sa bansa gayundin sa mga hotel at restoran na nagbawas ng operasyon habang ang iba’y nagsara na.

Nagdaang linggo ay naglalaro na ang presyo sa mga palengke ng imported na baboy mula P120 hanggang P175 kada kilo, kumpara sa local pork na ibinebenta sa P230 hanggang P260.

Ang imported namang chicken ay naglalaro sa P100 hanggang P110 kada kilo ang presyo sa kapareho ring panahon, na mas mura kaysa lokal na chicken na nasa P125 hanggang P130 na presyo kada kilo.

Sabi ni Marcos, isang solusyon para mas maging competitive o makalaban ang presyo ng mga local poultry products ay ang pagbibigay ng Department of Agriculture sa mga poultry raiser ng teknolohiya sa pagpoproseso ng mechanically deboned chicken meat, ang imported na produkto na mahirap gawin o i-produce dahil sa kawalan nila ng pasilidad.

“Ang takot sa mga kontaminadong mga baboy mula sa Germany at Brazil ay isang panawagan para mas higpitan pa ang mga requirement sa pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary clearances,” diin pa ni Marcos. (Dindo Matining)

The post Imported manok, baboy bagsak presyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *