Impeachment ng mangingisda vs Digong mabibilasa lang

IPINAHAYAG kahapon ng maritime law expert na malaki ang posibilidad na mabilasa ang inihahandang ‘impeachment case’ ng mga mangingisda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Impeachment ng mangingisda vs Digong mabibilasa lang appeared first on Abante News Online.

impeachment ng mangingisda vs digong mabibilasa lang - Impeachment ng mangingisda vs Digong mabibilasa lang
abante Digong - Impeachment ng mangingisda vs Digong mabibilasa lang

IPINAHAYAG kahapon ng maritime law expert na malaki ang posibilidad na mabilasa ang inihahandang ‘impeachment case’ ng mga mangingisda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa forum kahapon sa Quezon City, ipinaliwanag ni Atty. Jay Batongbacal, Maritime law expert, malabong may kahinatnan ang ‘impeachment laban kay Duterte dahil lamang ang bilang ng supporters ng administrasyon sa Kamara at Senado.

Kasabay nito, iginiit naman ni Batongbacal na hindi wasto at katanggap-tanggap ang ‘verbal agreement’ sa pagitan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ukol sa pagpapahintulot sa pangingisda ng mga Chinese sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“The president cannot commit or condone an illegal act such as allowing foreign fishermen to fish in Philippine waters,” ayon kay Batongbacal at iginiit na mayroong mga umiiral na batas laban sa foreign fishing sa EEZ.

Ayon kay Batongbacal, nararapat na isapubliko ang imbestigasyon ng pamahalaan ukol sa insidente sa Recto Bank sa ngalan ng ‘transparency.’
Una dito ay nanindigan ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa pamumuno ni National Chairperson Fernando Hicap na itutuloy nila ang paghahain ng impeachment laban sa Pangulo dahil sa pagtatraydor at pag­labag sa Konstitusyon.

Hindi umano natatakot ang ilang grupo ng mga mangingisda sa bantang pagpapakulong ni Pangulong Duterte laban sa mga tao na nagbabalak maghain ng impeachment complaint na base sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno sa West Philippine Sea. (Dolly Cabreza)

The post Impeachment ng mangingisda vs Digong mabibilasa lang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *