Immigration area binakuran

PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa ‘paggala, pagtulong at pag-escort’ sa sinumang dumarating at umaalis na pasahero.

The post Immigration area binakuran appeared first on Abante News Online.

immigration area binakuran - Immigration area binakuran
ABANTE bi bureau of immigration1 - Immigration area binakuran

PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa ‘paggala, pagtulong at pag-escort’ sa sinumang dumarating at umaalis na pasahero.

Sa inilabas na memorandum ni BI port operations division (POD) chief Grifton Medina, iginiit niya na sundin ang umiiral na regulasyon, may walong taon na ang nakararaan, at nagbabala na ang sinumang mga kawani na hindi susunod ay kakastiguhin at papatawan ng mga kasong administratibo.

Gayundin, hinigpitan ang mga tauhan ng BI na pumasok sa immigration area sa NAIA sa labas ng kanilang puwesto o terminal assignment.

Ipinaliwanag ni Medina na ang direktiba ay isa lamang sa ilang mga hakbang upang maiwasan ang naturang sistema.

Sa naturang memo, sinabi ni Medina ang mga direktiba ni BI Commissio­ner Jaime Morente na ang immigration area sa NAIA ay ‘nilinis’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng limitasyon sa mga tauhan nito. (Mina Aquino)

The post Immigration area binakuran appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *