Imelda pinasusuka ng ₱520M sa mga biktima ng Martial Law

ISANG judge sa Amerika, na siyang lumitis sa class suit laban kay ­dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang nagpatibay sa panukala na ipagkaloob ang tinatayang $10 million o katumbas na P520M sa mga human rights victim noong Martial Law.

The post Imelda pinasusuka ng ₱520M sa mga biktima ng Martial Law appeared first on Abante News Online.

imelda pinasusuka ng e282b1520m sa mga biktima ng martial law - Imelda pinasusuka ng ₱520M sa mga biktima ng Martial Law
abante imelda - Imelda pinasusuka ng ₱520M sa mga biktima ng Martial Law

ISANG judge sa Amerika, na siyang lumitis sa class suit laban kay ­dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang nagpatibay sa panukala na ipagkaloob ang tinatayang $10 million o katumbas na P520M sa mga human rights victim noong Martial Law.

Nilagdaan ni Judge Manuel Real nitong Marso 28 ang order para aprobahan ang ikatlong distribusyon ng pondo. Sa pakakataong ito, $1,500 ang matatanggap ng bawat isa sa 6,500 rehistradong biktima ng karahasan noong Martial Law.
Nauna rito ay inaprobahan din ni Real ang $13.75M settlement na kukunin sa pagbebentahan ng mga narekober na ari-arian ng balo ni Marcos, si Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos.

Ipapamahagi ni human rights lawyer Robert Swift at Filipino counterpart na si Rod Domingo ang tseke sa mga biktima ng human rights sa siyam na siyudad sa Mindanao nga­yong Mayo 1.

Karamihan sa ipambabayad sa mga biktima ng human rights noong Martial Law ay galing sa mga painting ni Imelda Marcos.

The post Imelda pinasusuka ng ₱520M sa mga biktima ng Martial Law appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *