Imee: Bakuna sa COVID-19 dapat may global price ceiling

Kailangang gamitin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang impluwensya nito para masimulan ang bagong paraan sa pagnenegosyo ukol sa paggawa, pag-patent, pag-presyo, at pamamahagi ng mga bakuna kontra sa Covid-19.

The post Imee: Bakuna sa COVID-19 dapat may global price ceiling first appeared on Abante.

imee bakuna sa covid 19 dapat may global price ceiling - Imee: Bakuna sa COVID-19 dapat may global price ceiling
imee 1 - Imee: Bakuna sa COVID-19 dapat may global price ceiling

Kailangang gamitin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang impluwensya nito para masimulan ang bagong paraan sa pagnenegosyo ukol sa paggawa, pag-patent, pag-presyo, at pamamahagi ng mga bakuna kontra sa Covid-19.

Ayon kay Senadora Imee Marcos, ang mga hindi developed na bansa ay nananatiling nakaabang na lang sa presyong dikta ng mga pharmaceutical company na humahawak ng patent ng mga bakuna.

Aniya, nagawa ng ASEAN na patibayin ang impluwensya nito bilang ‘trade bloc’ o pwersa sa pandaigdigang pangangalakal nuong ang sampung miyembro nitong bansa ay lumagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement nitong nagdaang linggo kasama ang non-member states na Australia, China, Japan, New Zealand at South Korea.

“Kumakatawan ang RCEP sa ikatlong bahagi ng populasyon ng buong mundo at sa global GDP,” paliwanag ni Marcos, chair ng Senate economic affairs committee.

“Kailangan natin ng ‘global accord’ o kasunduan ng ibat-ibang bansa para sa bakuna kontra Covid-19, limitasyon sa presyo, sari-saring mga manufacturer at mga supply mula sa ibat-ibang mga bansa sa rehiyon,” dagdag nito.

Ginawa ni Marcos ang pahayag habang nagpulong-pulong ang mga bansa ng G20, kung saan apat sa mga miyembro nito – US, UK, China at Russia – ang nag-uunahan sa pagbuo ng bakuna para sa Covid-19.

Ayon kay Marcos, dapat panghawakan ng ASEAN ang binitiwang pangako ng G20 noong Marso na “walang limitasyon sa pagsisikap, bawat indibidwal man o magkakasama, para protektahan ang buhay at siguruhin ang kabuhayan at pagkakakitaan ng mga mamamayan.”

Ang tinutukoy niyo ay ang kasunduan ng World Trade Organization (WTO) na TRIPS o ang Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights, kung saan hinihikayat ang mga may patent sa bakuna na huminahon sa pagnenegosyo kapag may public health emergency.

“Hindi dapat kalimutan ng mga pharmaceutical firm ang napakahalagang partisipasyon ng tao sa pag-aaral ng bakuna. Walang bakuna ang mabubuo na wala ito, kaya dapat lang ibalik nila ito sa tao,” ani Marcos.

Limang pharmaceutical firm ang nagkakarerahan na matapos ang four-phase trial para sa bakuna kontra Covid-19, kung saan nangunguna ang American firm na Pfizer, bukod pa sa Moderna sa US, sa UK-based na Oxford/Astra-Zeneca, ang Sinovac Biotech ng China, at ang Gamaleya Research Institute ng Russia. (Dindo Matining)

The post Imee: Bakuna sa COVID-19 dapat may global price ceiling first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *