Ilusyon ng tumanda, laos na lider ‘wag patulan -Palasyo

Ayaw pag-aksayahan ng panahon ng Malacañang ang panibagong banat ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa katatapos na working visit nito sa China.

ilusyon ng tumanda laos na lider wag patulan palasyo - Ilusyon ng tumanda, laos na lider ‘wag patulan -Palasyo
Abante Panelo - Ilusyon ng tumanda, laos na lider ‘wag patulan -Palasyo

Ayaw pag-aksayahan ng panahon ng Malacañang ang panibagong banat ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa katatapos na working visit nito sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mas mainam na magtrabaho at protektahan ang sambayanan sa halip na mag-aksaya ng oras sa mga pag-iingay ni Sison.

“The Duterte presidency is engrossed in its constitutional duty of serving and protecting the Filipino people, that it has no time to waste in responding to the latest anti-Duterte statement of Jose Maria Sison,” ani Panelo.

Inilarawan ng kalihim ang mga pag-iingay ni Sison bilang ilusyon ng isang tumandang laos na lider komunista.

Kahit kailan ani Panelo ay walang tamang ginawa ang administrasyon sa mata ni Sison kaya hahayaan na lamang ito sa kanyang pag-iingay.

“It is another arrant raving and incorrigible ranting coming from an aging armchair passé rebel whose illusory vision has outsprinted the ticking hands of time,” dagdag pa ni Panelo.

Nauna rito ay inihayag ng Palasyo ang matagumpay na biyahe ng Pangulo sa China kung saan anim na mga kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa bukod pa sa magandang resulta nang pag-uusap para sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga binanatan ni Sison sa China trip ni Pangulong Duterte ay ang mga nalagdaang kasunduan kung saan malaya umanong mapanghihimasukan ng China ang kultura ng Pilipinas, at tila isinuko na rin sa China ang soberenya ng bansa. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *