Iloilo mayor-elect arestado sa graft

arrested-tiklo

DINAKMA ng National Bureau of Investigation (NBI) si Iloilo Mayor-elect Frankie Locsin matapos umanong mapatunayan na lumabag ito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

The post Iloilo mayor-elect arestado sa graft appeared first on Abante News Online.

iloilo mayor elect arestado sa graft - Iloilo mayor-elect arestado sa graft
arrested tiklo - Iloilo mayor-elect arestado sa graft

DINAKMA ng National Bureau of Investigation (NBI) si Iloilo Mayor-elect Frankie Locsin matapos umanong mapatunayan na lumabag ito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nag-ugat ang kaso ni Locsin sa binili umanong gamot ng lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng P15 mil-yon gamit ang Priority Development Assistance Fund ni Senador Vicente Sotto III noong 2011.

Nadiskubre ng Office of the Ombudsman na ang kontrata para sa me-dical supply ay nai-award sa hindi kuwalipikadong supplier at ang accredi-tation nito ay sinuspende pa ng Department of Health.

Makaraan namang arestuhin ng NBI regional office, kung saan kukuha sana si Locsin ng kanyang clearance para sa gun license application, ay dinala naman ito sa Western Visayas Medical Center dahil sa high blood pressure.

Gayunman, inilipat si Locsin sa The Medical City ayon na rin sa kahilingan ng kanyang pamilya.

Natanggap umano ng NBI central office ang warrant of arrest laban kay Locsin noong May 29 na pirmado ni Sandiganbayan First Division chairperson Justice Efren Dela Cruz.

Sa kautusan ng Sandiganbayan, inatasan nito na kailangang dalhin sa Quezon City si Locsin para humarap sa anti-graft court, gayunman naglabas ng rekomendasyon ang mga doktor na kinailangan nitong manatili sa ospital dahil sa karamdaman. (Prince Golez)

The post Iloilo mayor-elect arestado sa graft appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *