Ilog tinawad ng mga guro para sa module

Maraming kinahaharap na pagsubok ang mga gurong Pinoy para makapamigay ng learning module sa kani-kanilang estudyante dahil sa distance learning dulot ng pandemya.

The post Ilog tinawad ng mga guro para sa module first appeared on Abante.

ilog tinawad ng mga guro para sa module - Ilog tinawad ng mga guro para sa module
modukle - Ilog tinawad ng mga guro para sa module

Maraming kinahaharap na pagsubok ang mga gurong Pinoy para makapamigay ng learning module sa kani-kanilang estudyante dahil sa distance learning dulot ng pandemya.

Halimbawa na rito ang pagtawid ng ilang ilog ng mga guro para marating ang Poonbato Integrated School sa Botolan, Zambales para makuha ang mga module na ibibigay sa 236 mag-aaral na Aeta.

Kukunin ito ng mga magulang at iuuwi para pag-aralan, sagutan, at ibalik matapos ang 2 linggo.

Ayon sa headteacher ng nasabing paaralan na si Bryan Jester Balmeo sa Inquirer, pinakahirap sila sa komunikasyon dahil hindi anila pwede ang online teaching doon dahil sa kawalan ng signal at internet connection.

May ilang guro pa na naglalakbay nang hindi bababa sa walong oras para makarating sa paaralan.

Hirap din silang gabayan ang mga magulang na karamihan ay hindi makabasa at makasulat, na hindi kayang maturuan ang kanilang mga anak sa bahay. (Shernielyn dela Cruz)

The post Ilog tinawad ng mga guro para sa module first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *