Ikinasang impeachment kay Digong sinisiw ng Palasyo

HINDI na bago para sa Malacañang ang ikinakasang impeachment case ng mga militanteng grupo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Ikinasang impeachment kay Digong sinisiw ng Palasyo appeared first on Abante News Online.

ikinasang impeachment kay digong sinisiw ng palasyo - Ikinasang impeachment kay Digong sinisiw ng Palasyo
ABANTE martin andanar - Ikinasang impeachment kay Digong sinisiw ng Palasyo

HINDI na bago para sa Malacañang ang ikinakasang impeachment case ng mga militanteng grupo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na halos lahat ng nagdaang administrasyon ay sinasampahan ng impeachment case ng mga militante kaya hindi na magtataka ang Malacañang kung gagawin din ito kay Pangulong Duterte.

Ngayon pa lamang ay naniniwala si Andanar na hindi makakalusot sa Kongreso ang anumang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte dahil mayorya ng mga mambabatas ay kaalyado ng Presidente.

“Halos every administration ginagawa ng mili­tante yan, hindi na bago ‘yan. Im pretty certain that with the super majority ay hindi makakalusot yan,” ani Andanar.

Naunang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang impeachment case ay ‘numbers game’ kaya malabong makalusot ang anumang reklamo para paalisin si Pangulong Duterte sa puwesto.

Ang ikinakasang impeachment complaint laban sa Presidente ay nag-ugat sa verbal agreement umano nila ni Chinese President Xi Jinping kung saan pinayagan nitong makapangisda ang Chinese fishermen sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. (Aileen Taliping)

The post Ikinasang impeachment kay Digong sinisiw ng Palasyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *