Ikatlong kaso ng polio kinumpirma ng DOH

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng ng polio sa bansa.

ikatlong kaso ng polio kinumpirma ng doh - Ikatlong kaso ng polio kinumpirma ng DOH
polio 1 - Ikatlong kaso ng polio kinumpirma ng DOH

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng ng polio sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, kumpirmado na ito na ang ikatlong polio case kung saan isang 4-taong gulang na batang babae mula sa Datu Piang, Maguindanao,ang dinapuan ng polio.

Nabatid na hindi umano ito napatakan ng anumang dose ng oral polio vaccine (OPV) simula nang ito ay isilang, kaya’t madaling kinapitan ng sakit.

Matatandaan na isang pasyente ay may kaso ng acute flaccid paralysis (AFP) noong Setyembre 26, 2019, makaraang ipa-check up sa Cotabato Regional Medical Center.

Noong Oktubre 24, nagposi­tibo sa vaccine-derived poliovirus 2 (VDPV2) ang stool samples ng bata na ipinadala sa National Institute of Infectious Diseases-Japan.

Nalaman na sintomas ng sakit ay lagnat, diarrhea, pagsusuka at pananakit ng kalamnan at iniuugnay din ito sa confirmed polio case sa Marogong, Lanao del Sur.

“The polio virus isolated was genetically linked to the VDPV2 from the confirmed polio case in Morogong, Lanao del Sur,” ayon sa DOH.

Kaugnay nito, ang samples mula sa isa pang suspected case ay sumasailalim na sa testing, at naghihintay na lamang ng resulta at confirmation.

Nalaman na ang pagkumpirma sa naturang ikatlong polio case ay isinagawa ng DOH may isang araw lamang makaraang matapos ang unang bugso ng kanilang synchronized polio vaccination campaign o ang “Sabayang Patak Kontra Polio.”

Ayon sa DOH kahit tapos na ang kanilang mass polio vaccination ay bukas pa rin ang mga lokal na health center sa iba’t ibang panig ng bansa, para mag-alok ng libreng bakuna laban sa polio.

Sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo, maaari pa ring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center sa kani-kanilang lugar upang mapatakan ng OPV ang mga ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *