Ikalawang libel isasampa vs Tulfo

Nakatakdang magsampa ng ikalawang kaso ng libelo si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

ikalawang libel isasampa vs tulfo - Ikalawang libel isasampa vs Tulfo
medialdea 1 - Ikalawang libel isasampa vs Tulfo

Nakatakdang magsampa ng ikalawang kaso ng libelo si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

Ang kaso ay bunsod ng column­ ni Tulfo noong Hulyo 25, kung saan inakusahan ni Tulfo si Medialdea ng walang ginagawa sa apela ni Felicito Mejorado na makuha sana ang kanyang reward money mula sa gobyerno.

Si Mejorado umano ang nagbigay ng tip sa pamahalaan ukol sa sinasabing smuggling operation sa Mariveles, Bataan noong 1997.

Inakusahan ni Tulfo si Medial­dea na humihingi ng pera para mailabas ang tip mula sa nag­ngangalang Vianney D. Garol.

Tahasang itinanggi ni Medialdea ang akusasyon at sinabing ang apela ni Mejorado ay hindi naipit sa Office of the President (OP) ng isang taon, bagkus tatlong buwan lamang.

Sinabi pa ni Medialdea, nakuha ng OP ang notice of appeal ni Mejorada noon lamang Abril 5, 2019.

Dagdag pa ni Medialdea na ang OP ay kumilos na upang mapabilis ang aksyon sa hinaing­ ni Mejorado. Inabisuhan na rin ng OP ang Department of Finance, na nauna nang nag-deny ng request ni Mejorado, upang makuha ang record ng kaso.

Sinabihan na rin ang National Bureau of Investigation upang i-verify ang pagkakadawit ni Garol at iba pang personalidad, maging ang Department of Justice, upang isampa ang kaukulang kaso.

Sinabi ni Medialdea na hindi niya kakilala si Garol.

Sa record ng Malacañang Records Office, si Garol ay na-appoint na project development officer II sa ilalim ng Office of External Affairs-Davao noong Agosto 1, 2005 subalit tumigil ang operasyon nito noong Disyembre 31, 2005.
“I will file the complaint next week,” saad pa ni Medialdea.

Ito na ang pangalawang kasong libel na isasampa ni Medial­dea laban kay Tulfo.

Ang nauna nang kaso ay bunsod din sa column ni Tulfo noong buwan ng Mayo kung saan inakusahan din ng peryodista si Medialdea na ‘benefactor’ umano ni Sandra Cam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *