Ikaapat na Pinoy Barrio Fiesta kinasa sa California

Nagsama-sama kahapon ang mga miyembro ng Filipino-American community sa ikaapat na “Filipino Barrio Fiesta” sa Bankhead Plaza sa Livermore, California.

ikaapat na pinoy barrio fiesta kinasa sa california - Ikaapat na Pinoy Barrio Fiesta kinasa sa California
filipino barrio fiesta - Ikaapat na Pinoy Barrio Fiesta kinasa sa California

Nagsama-sama kahapon ang mga miyembro ng Filipino-American community sa ikaapat na “Filipino Barrio Fiesta” sa Bankhead Plaza sa Livermore, California.

Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dos ng hapon, Oktubre 6, 2019, napuno ang lugar ng mga pagkain at tugtuging Pinoy.

Magkatuwang na nilunsad ang libreng event ng Livermore Fil-Am at Livermore Valley Pacific Arts Council.

“Dedicated to Our Ancestors and Our Youth. Let us remember to be the link between the past and the future,” saad sa poster ng event.

Sinimulan ang seremonya ng tauhan mula sa Philippine Consulate. Nagtanghal naman ang ilang artist, gaya ng Freestyle Dance Collective, at Mini Mix’d.

May ilan ding historical artifact mula sa Bayani Art, WELGA Project, at iba pa.

Ngayong Oktubre pinagdiriwang sa Amerika ang Filipino-American History Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *