Ika-16 pulis tigok sa COVID

Sumampa na sa 16 ang bilang ng mga namatay na pulis matapos na isa pang parak ang pumanaw sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

The post Ika-16 pulis tigok sa COVID first appeared on Abante.

ika 16 pulis tigok sa covid - Ika-16 pulis tigok sa COVID
abante pulis - Ika-16 pulis tigok sa COVID

Sumampa na sa 16 ang bilang ng mga namatay na pulis matapos na isa pang parak ang pumanaw sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa nilabas na COVID-19 bulletin ng PNP Linggo ng gabi, isang 52-anyos na lalaking pulis, na nakadestino sa National Administrative Unit/Police National Training Institute-National Training Center, ang nasawi noong Agosto 17.

Samantala umabot na sa 3,380 pulis ang tinamaan ng nasabing sakit matapos makapagtala ng panibagong 104 na kaso kung saan 70 sa mga ito ay nagmula sa National Capital Region Police Office.

Habang 2,479 pulis ang gumaling sa nasabing sakit, at mayroon pang mino-monitor na 2,688 suspected case at 711 probable case.

Ayon pa sa PNP, karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay asymptomatic. (Edwin Balasa)

The post Ika-16 pulis tigok sa COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *