Ignacio pinasalamatan si Duterte

Pinasalamatan ng bagong Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer (PCEO) na si Aurora C. Ignacio si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya matapos siyang italaga noong ika-28 ng Marso para pamunuan ang operasyon ng pension fund. 

The post Ignacio pinasalamatan si Duterte appeared first on Abante News Online.

ignacio pinasalamatan si duterte - Ignacio pinasalamatan si Duterte
ignacio - Ignacio pinasalamatan si Duterte

Pinasalamatan ng bagong Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer (PCEO) na si Aurora C. Ignacio si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya matapos siyang italaga noong ika-28 ng Marso para pamunuan ang operasyon ng pension fund. 

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte para sa pagkakataong ibinigay niya sa akin upang makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon. Maasahan ninyo na ang kapakanan ng mga miyembro at pensyonado ng SSS ang lagi kong prayoridad,” ani ni Ignacio. 

Si Ignacio, 62, ang tumayong Officer-in-Charge ng ahensiya nang magresign si dating PCEO Emmanuel F. Dooc noong ika-5 ng Marso.

Bilang bagong taga-pangulo ng SSS, siya ang magiging­ responsable sa pang araw-araw na operas­yon ng ahensya habang tinatahak nito ang isang mas matatag na pension fund na magbibigay ng pangkalahatang proteksyong panlipunan sa mga Pilipinong manggagawa dito at sa ibang bansa. Nilalayon ni Ignacio na mas pataasin ang kita ng SSS habang mas pinagbubuti pa ang paghahatid ng serbisyo para sa mga miyembro nito. 

Dating nanungkulan si Ignacio bilang Assistant Secretary for Special Projects sa ilalim ng Office of the President of the Philippines at inatasang maging Focal Person for Anti-Illegal Drugs sa ilalim ng Presidential Directive No. 5. Kasabay noon, siya ay tumayong Principal Member ng Task Force on the Establishment of Rehabilitation and Treatment Centers for Drug Users, Guest Member ng Dangerous Drugs Board at Council Member ng National Food Authority.

The post Ignacio pinasalamatan si Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *