IBC-13 lugi sa joint venture ni Reghis Romero

MALAKING halaga ang nawala sa gobyerno sa naging kasunduan sa pagitan ng state-owned television network IBC-13 at R-II Builders Inc./Primestate Venture Inc na pagmamay ari ng negosyanteng si Reghis Romero para sa 3.6401-hectare property ng network.

The post IBC-13 lugi sa joint venture ni Reghis Romero appeared first on Abante News Online.

ibc 13 lugi sa joint venture ni reghis romero - IBC-13 lugi sa joint venture ni Reghis Romero
abante IBC 13 - IBC-13 lugi sa joint venture ni Reghis Romero

MALAKING halaga ang nawala sa gobyerno sa naging kasunduan sa pagitan ng state-owned television network IBC-13 at R-II Builders Inc./Primestate Venture Inc na pagmamay ari ng negosyanteng si Reghis Romero para sa 3.6401-hectare property ng network.

Sa annual report ng Commission on Audit (COA) pinuna nito ang ilang iregularidad sa kasunduan, ang naaprubahan umano noong 2010 ay Joint Venture Agreement (JVA) para sa 3,6401 hektaryang lupa ng IBC subalit ang na­ging resulta ay naging conctract of sale.

“The conversion of the deal was “disadvantageous to the go­vernment” ayon sa COA kung saan inirekomenda nito na kanselahin ang kasunduan o baguhin ito para hindi dehado ang IBC 13.

Ayon sa COA noong 2010 bilang bahagi ng partnership ng IBC kay Romero ay pumayag ito na i-turnover ang rights sa 3.6401-hectare pro­perty sa “Broadcast City” complex sa Quezon City para sa pagpaparenta ng mga condominium, makalipas ang anim na taon ay binago ni Romero ang kasunduan.

Sa loob ng anim na taon ay nagbayad umano si Romero ng kabuuang P728 milyon sa IBC 13 subalit pagkaraan nito ay sinabi niyang fully paid na at sa kanya na ang lupain.

Kung partnership umano ang nakasaad sa kontrata ay dapat patuloy na kumikita ang IBC 13 at hindi ito pumayag na bayaran ang proper­ty.

“The said provision on the amended JVA shows that the joint venture undertaking had been aborted as the transaction between the contracting parties can be considered as sale of IBC-13 property,” ayon sa COA.

Sabi ng COA na kung pagbebenta ang hangarin nito sa pagpasok sa partnership kay Romero ay dapat dumaan ito sa bidding na hindi sya na­lugi dahil tamang presyo ang makukuha nito sa nasabing property.

Idinagdag pa nito na hindi rin maaring ibenta ng IBC 13 ang kanilang ari-arian.

“For sale” deal was in violation of Section 79 of Presidential Decree (PD) No. 1445 or the Government Audit Code; and Sections 2 and 3 of Executive Order (EO) No. 888 dated March 1983 which laid the down the disposal of state property by department of agency heads.

Kinukuwestiyon din ng COA na tanging ang presidente ng IBC 14 at si Romero ang lumagda sa amended JVA. (Tina Mendoza)

The post IBC-13 lugi sa joint venture ni Reghis Romero appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *