IATF takot ma-scam sa PWD list

Ipaparating sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng mga person with disability (PWD) na isama sila sa prayoridad ng mga unang mabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

The post IATF takot ma-scam sa PWD list first appeared on Abante.

iatf takot ma scam sa pwd list - IATF takot ma-scam sa PWD list
abante pwd - IATF takot ma-scam sa PWD list

Ipaparating sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng mga person with disability (PWD) na isama sila sa prayoridad ng mga unang mabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos hindi mabanggit sa priority list ng gobyerno ang mga PWD sa mga unang mabibigyan ng bakuna.

Sinabi ni Roque na nagkakaroon ng diskusyon sa IATF hinggil sa mga PWD dahil sa posibilidad na baka magkaroon ng loophole sa gagawing pagbabakuna.

“Nagkaroon lang po ng diskusyon kasi may mga iba na hindi nagtitiwala na baka maging loophole iyan eh maging dahilan lang para mauna yu iba, maski wala sila. Pero the issue remains open, so ipapaalam ko sa IATF itong kahilingan ng mga PWD,” ani Roque.

Hindi inaalis ng IATF ang posibilidad na baka mangyari sa vaccination program ang naging karanasan sa ilang commercial establishments na paggamit ng ilang tao ng kanilang PWD card para mauna at mabigyan ng prebilihiyo kahit wala naman talagang kapansanan.

Muling tiniyak ni Roque na lahat ng mga Pilipino ay mabibigyan ng bakuna dahil mayroong makukuha ang gobyerno na paunang 25 million doses sa Sinovac, 30 million sa Novovax at 10 million doses mula sa AstraZeneca.
“Huwag kayong mag-alala hindi tayo magkukulang,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post IATF takot ma-scam sa PWD list first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *