IATF aprub sa bukas internet shop, gym, testing center

Inaprubahan na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang muling pagbubukas ng mga gym, internet shop, tutorial at review center, at drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula August 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

iatf aprub sa bukas internet shop gym testing center - IATF aprub sa bukas internet shop, gym, testing center
Ramon Lopez 2 - IATF aprub sa bukas internet shop, gym, testing center

Inaprubahan na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang muling pagbubukas ng mga gym, internet shop, tutorial at review center, at drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula August 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez na inaprubahan ng IATF ang pagbubukas muli ng mga negosyong ito hanggang sa 30 porsiyento ng kapasidad, basta’t susundin ang mga protocol sa kalusugan.

Inilabas aniya nila ang rekomendasyon at tinalakay kung saan kinumpirma ng IATF ang mga inirekomenda ng DTI para sa dahan dahang muling pagbubukas.

“Yung testing, tutorial, review center, yung gyms, fitness centers, and facilities. Saka yung internet cafes. Yung internet cafes, dahil sa education din saka sa trabaho. Dahil sa blended learning, e-learning, inopen din yun,” paliwanag pa ng kalihim.

Ayon kay Lopez ang isa pang sektor na hindi pa nabanggit ay yung mga grooming services, na marami dyan ang franchise concept, ay pinapayagan na rin – nails, skincare, aesthetic. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *