Hurricane ‘Laura’ sa US kumitil ng 14

Tumaas sa 14 ang kumpirmadong patay sa Amerika matapos bayuhin ni Hurricane ‘Laura’ ang mga southern state.

The post Hurricane ‘Laura’ sa US kumitil ng 14 first appeared on Abante.

hurricane laura sa us kumitil ng 14 - Hurricane ‘Laura’ sa US kumitil ng 14
LAURE 1 - Hurricane ‘Laura’ sa US kumitil ng 14

Tumaas sa 14 ang kumpirmadong patay sa Amerika matapos bayuhin ni Hurricane ‘Laura’ ang mga southern state.

Ayon sa ulat, nagmula ang 10 biktima sa Louisiana habang 4 sa Texas. Nagdulot ng malalang pinsala ang taglay nitong malakas na hangin na hanggang 150mph kung saan mahigit kalahating milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente at nagpasiklab ng isang chemical fire mula sa isang industrial plant.

Agad humingi ng financial assistance si Louisiana Governor John Bel Edwards sa federal government para makabangon sa pinsala.

Samantala, bibisitahin ni President Donald Trump ang dalawang state sa Sabado para personal na makisimpatiya sa mga taong apektado ng hurricane.

Sa ngayon ay binaba na sa tropical storm ang status ni Laura pero malakas na ulan pa rin ang nararanasan sa ilang US state. (Issa Santiago)

The post Hurricane ‘Laura’ sa US kumitil ng 14 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *