Hugpong ni Sara tigil na sa kampanya

ITINIGIL na ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte ang campaign caravan para sa kanilang senatorial candidates, 10 araw bago ang May 13 midterm elections.

The post Hugpong ni Sara tigil na sa kampanya appeared first on Abante News Online.

hugpong ni sara tigil na sa kampanya - Hugpong ni Sara tigil na sa kampanya
abante Sara Duterte - Hugpong ni Sara tigil na sa kampanya

ITINIGIL na ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte ang campaign caravan para sa kanilang senatorial candidates, 10 araw bago ang May 13 midterm elections.

Sa Mambajao, Camiguin ang hu­ling lugar na pinagkampanyahan ng mga kandidato ng Hugpong matapos ang 68 proclamation rally sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinaliwanag ni Mayor Duterte na nagdesisyon siyang itigil na ang campaign caravan upang makapag-concentrate ang mga kandidato sa mga lugar kung saan inaakala nilang mahina sila.

Sinabi din ng presidential daughter na hindi nila sinasadya na sa lugar ng Camiguin nataon ang huling campaign rally ng Hugpong.

Noong 2016 ay nagkaroon ng masamang karanasan sa panganga­mpanya si Pangulong Duterte sa Camiguin at hanggang ngayon ay hindi niya ito makalimutan.

Noong Lunes, hindi rin naitago ni Mayor Duterte ang pagkainis sa angkan ng mga Romualdo dahil sa pagtatangka na isabotahe ang kampanya ng kanyang ama noong 2016.

“Nagpapasalamat ako sa ginugol ninyong oras, sa kabila ng mga pananakot sa inyong pagpunta. Pero sa kabila ng panankot, ipinakita ninyo pa din ang inyong suporta sa administration ni President Duterte,” wika ni Mayor Duterte sa mga nagsipagdalo sa rally. (JC Cahinhinan)

The post Hugpong ni Sara tigil na sa kampanya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *