Hotel gumuho: 2 manggagawa dedo

Isang lumang gusali ng kila­lang budget hotel na isinasailalim sa demolisyon ang gumuho kahapon nang umaga sa Mabini St., Malate, Maynila.

hotel gumuho 2 manggagawa dedo - Hotel gumuho: 2 manggagawa dedo
sogo - Hotel gumuho: 2 manggagawa dedo

Isang lumang gusali ng kila­lang budget hotel na isinasailalim sa demolisyon ang gumuho kahapon nang umaga sa Mabini St., Malate, Maynila.

Maraming construction worker ang nasaktan habang isa naman na nakilalang si Edson Ison ang isinugod sa Ospital ng Maynila.

Dalawang construction worker naman na nakilalang sina Jerome Fabello at Melo Ison ang na-trap sa gumuhong gusali at sinikap na iligtas ng search and rescue team.

Subalit binawian din ng buhay ang mga ito nang marekober ng mga rescue team.

Nalaman kay Manila Police District Director Vicente Danao Jr., alas-9:15 nang umaga nang biglang mag-collapse ang gusali kung saan nasa loob ang 22 construction worker.

Kaagad naman sumugod sa insidente si Manila Ma­yor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na kaagad iniutos na bigyan ng prayoridad ang pagliligtas sa mga na-trap at posibleng nasaktan.

Inatasan na rin ni Moreno si City Engineer Armand Andres na magsagawa ng masusing imbestigasyon kung bakit bumigay at saan nagkamali ang ginigibang gusali.

Nabatid na kumpleto naman ito sa permit kung saan ang demolition permit ay nagsimula noong Agosto 2, 2019.

Ang gumuhong gusali ay dating Empire Hotel na itinayo pa noong 1965. Ginigiba ito upang tayuan ng mataas na gusali ng sikat na budget hotel.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *