Hontiveros: PH ‘wag padehado sa China sa WPS oil exploration

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Energy na payuhan ang mga Pinoy service contractor laban sa pagpasok sa joint venture agreement sa China-owned na mga kumpanya sa kanilang oil at gas exploration sa West Philippine Sea.

The post Hontiveros: PH ‘wag padehado sa China sa WPS oil exploration first appeared on Abante.

hontiveros ph wag padehado sa china sa wps oil exploration - Hontiveros: PH ‘wag padehado sa China sa WPS oil exploration
Hontiveros - Hontiveros: PH ‘wag padehado sa China sa WPS oil exploration

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Energy na payuhan ang mga Pinoy service contractor laban sa pagpasok sa joint venture agreement sa China-owned na mga kumpanya sa kanilang oil at gas exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, hangga’t hindi umano ginagaling ng China ang panalo ng Pilipinas sa Exclusive Exonbomic Zone sa WPS, hindi dapat magkaroon ng joint venture sa China.

“Kailangan pati ang mga Pilipinong kumpanya na pinayagan nang mag-explore sa ating mga karagatan ay makiisa sa panawagan ng bansa na protektahan ang ating soberanya,” sabi ng senadora.

Matatandaan na mula nang alisin ni Pangulong Duterte ang moratorium sa oil exploration sa pinagaagawang teritoryo noong nagdaang buwan, pumasok na ang kumpanyang Pinoy na PXP Energy sa joint venture sa China National Offshore Oil Corporation, isa sa pinakamalaking kumpanya ng langis sa China.

Sabi ni Hontiveros, noong 2011, ang survey ship ng PXP Energy ay na-harass ng mga patrol boat ng China sa Recto Bank.

“We must not forget such incidents because China started this hostility in our own waters. What assurance can Beijing give that it will not do the same now?” anang senadora.

“Kaya ko din hinihingi sa DOE o sa Senate Committee on Energy ang memorandum of understanding (MOU) natin with China. Dapat mabusisi ito at baka tayo pala ang dehado,” sambit pa nito.

Binigyang-diin pa nito na dapat angkinin ng bansa ang yaman ng gas at oil sa Recto bank na tinatayang may nakaimbak na natural gas na nagkakahlaga ng$19.9 bilyon at $2.1 bilyon naman na langis.

“Hindi din maikakaila na ikalalakas din ng ating ekonomiya ang mabibigay na yaman ng WPS. Kaya dapat natin itong protektahan, alagaan, at angkinin. Hindi lang dahil kailangan natin ito, kundi dahil karapatan natin ito,” ayon kay Hontiveros. (Dindo Matining)

The post Hontiveros: PH ‘wag padehado sa China sa WPS oil exploration first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *