Honda Cars Kalookan pinagbabayad ng P6.3M

INUTUSAN ng Court of Tax Appeals ang Honda Cars Kalookan Inc. na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P6.3 milyon para sa multa at kulang na binayad nitong income tax noon pang 2008.

honda cars kalookan pinagbabayad ng p6 3m - Honda Cars Kalookan pinagbabayad ng P6.3M
ABANTE Honda - Honda Cars Kalookan pinagbabayad ng P6.3M

INUTUSAN ng Court of Tax Appeals ang Honda Cars Kalookan Inc. na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P6.3 milyon para sa multa at kulang na binayad nitong income tax noon pang 2008.

Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Cielito Mindaro-Grulla at inilabas noong October 21, 2019.

Dumulog ang Honda Kalookan sa CTA noong March 2017 para kuwestiyunin ang P10.6 milyon deficiency tax na sinisingil ng BIR para sa taong 2008.

Sinulatan ng BIR ang Honda Kalookan noon pang 2010 para hingin ang records nito para sa imbestigasyon. Nu’ng 2011, nagkaroon ng informal conference ang BIR at Honda Kalookan at 2012 tinangka ng BIR na singilin ang Honda Kalookan ng P22 milyon para sa kakulangang bayad nitong buwis at interes at multa na prinotesta naman nito. Binaba ng BIR ang sinisingil sa P10.6 milyon na inapila ng Honda Kalookan. Nang ibasura ng BIR ang apela ng Honda Kalookan, dumulog na ang kompanya sa CTA.

Siningil ng BIR ng P10.6 milyon na kakulangan na in-estimate lamang nito base sa Summary List of Sales at Creditable Withholding Tax at Source kaya’t nag-conclude na ito na mayroon itong hindi inire-report na gross income.

Ayon sa desisyon ni Mindaro-Grulla, walang ibi­nigay na karagdagang dokumento ang Honda Kalookan na nagbibigay linaw kung bakit may P32 milyong discrepancy ang SLS at SAWT nito kahit na sinasabi nitong may timing difference.

Ayon sa 2nd division ng CTA, walang factual basis ang pagsingil ng BIR sa P8 milyon ngunit kinatigan naman nito ang BIR sa P3.1 milyong discrepancy at SLS at SAWT at ang kawalan ng ebidensiya ng Honda Kalookan sa mga expenses nitong umaabot sa P2 milyon.

Sa kuwenta ng CTA, P1.8 milyon ang kulang na binayad na buwis ng Honda Kalookan nu’ng 2009. Kailangang isama ang 25% surcharge na umaabot ng P460,157 at ang 20% deficiency interest na aabot sa P2.9 milyon.

Idadagdag pa rito ang deficiency interest mula March 25, 2017 para sa P5.2 milyong kulang. Dadagdag pa ang 20% deficiency interest para sa original na P1.8 milyong kulang at isa pang 20% interest para sa kabuuang P5.2 milyong mula March 25, 2017, aabot ito sa P6.3 milyon. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *