Honasan maghihigpit sa online courier

Aminado si Information and Communication Sec. Gringo Honasan na dapat magkaroon ng sapat ng panuntunan at regulasyon ang industriya ng online at app-based courier service upang mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga nagsulputang colorum delivery service.

honasan maghihigpit sa online courier - Honasan maghihigpit sa online courier
honasan 2 - Honasan maghihigpit sa online courier

Aminado si Information and Communication Sec. Gringo Honasan na dapat magkaroon ng sapat ng panuntunan at regulasyon ang industriya ng online at app-based courier service upang mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga nagsulputang colorum delivery service.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P5.2 bilyong budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa susunod na taon ay sinabi ni Honasan na napapanahon na upang lagyan ng regulasyon ang e-courier industry dahil nagiging komplikado at masalimuot ang nasabing industriya.

“We already noticed this complicated situation. Hindi lang courier and forwarding ang tinitignan natin dito, nandiyan pa ang Angkas at iba pang nauuso,” giit ni Honasan sa House panel matapos magbabala si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza tungkol sa mga naglipanang colorum courier site at cellphone application.

Ayon kay DICT Undersecretary for Legal Affairs, Policy, Planning and Finance Jose Arturo de Castro, binubuo na ng Postal Regulation Division ang mga pamantayan na posibleng ilakip sa magiging opisyal na patakaran ng ahensya pagdating sa mga online at app-based delivery and forwading service.

(JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *